Epekto ng pagpupuyat
MAHILIG magpuyat ang marami sa atin. Bawat isa sa atin ay may iba’t ibang rason kung bakit nagpupuyat sa gabi. Ang iba ay nag-aaral, nagtatrabaho, nag-aabang ng teleserye o ‘di naman kaya ay makikita mong online sa Facebook at sa ibang social networking sites.
Usong-uso na ngayon ang pagpupuyat lalo na sa ating mga kabataan. May ilang kabataan nga na nasa galaan pa rin kahit na madaling araw na.
Kunsabagay, hindi rin naman talaga maiiwasang magpuyat lalo na kung may lakad ang barkada o kasamahan sa trabaho. Ngunit may masamang epekto ang pagpupuyat kaya nararapat lang natin itong iwasan hangga’t maaari.
At ilan nga sa mga epekto ng kakulangan sa tulog o pagpupuyat ay ang mga sumusunod:
PAGIGING IRITABLE AT HINDI AKTIBO ANG PAG-IISIP , PAGKAKAROON NG TIGYAWAT, MAKAKALIMUTIN,NAGIGING DAHILAN NG MICRO SLEEP O BLACKOUTS .Ang mga ito ay ilan lamang sa epekto ng palaging pagpupuyat
Ang mapapayo ko lamang sa kapwa ko kabataan ay wag masyado magpuyat at magsyado maadik sa gagdet dahil nakakasama ito sa ating kalusugan .
Comments
Post a Comment